hagdanan

why make your lyf complicated when you can enjoy its surprizes?

Wednesday, July 12, 2006

Here we are...
Naman... School started, i think for about a month now. Anu ba yan, dinugo aku dun. Well, kasasabi ko lang na bukas at widely open (pareho lang un db?) na naman ang torture chamber at paradise of the students. Puro assignments, quizzes at seatworks. Nag test na nga rin pala kami... ganyan talaga kadugo ang pakikipagsapalaran, lalo pa ang kasama mo sa laban ay bolpen at papel. Balik nanaman sa maagang paggising sa umaga at ang mga panaginip na napuputol. Ang mga bus drivers na sakim at magiging sanhi ng pagka-late mo dahil lang sa tumataginting na labinlimang minuto maghihintay ng pashero... yan ang torture na araw-araw naming nararanasan, idagdag mo pa ang mga pangaral ng mga kapitbahay nio.
------------------------------------------------
Masaya naman kahit papano... daming new. New shoes, new books, new teachers, new classmates, new haircut, new clothes, new necktie...basta lahat ng pwedeng i-new, NEW. Ang sarap ngang umupo sa upuan mong kahoy na puro sulat, at magsalamin sa cr na puro vandal sa pinto. Aun, nakalimutan ku.... new experiences and new adventures. kasama nadun sa ang pagiging third year. JS Prom, recollection, field trip... YIPEE... pati na rin ung CAT... enjoy nga. kala ku una, papahirapan kami ng s0per todo, un pala they just do it for discipline... sabi nila. Enjoy naman, syempre. ^_^

Saturday, April 22, 2006

Wohh!!
Grabe, tagal kong di nakapag-net. Wala akong masyadong matandaan ngayon. Masyado akong na-overwhelmed.
Hahaha....
Nag-e-exaggerate lang.
Kuya ko kasi. ni reformat.
....

....

....

un lang. Ano pa ba?

Monday, April 03, 2006

Yey!!! Vacation at last!
Well, so glad that classes are really and definitly OVER! Yesterday's program marked the end of this school year. Yahoo0000000!!!! Wee!!! At last, welcome to my cozy little bedroom. What can i do this vacation? Well, hindi muna ako mag-pa-plano. Coz all i ever dream was to sleep all day....
Tama, sleep, un lang naman ang gusto ko. Mga talentado 'tong mga textmate ko, kung kelan hindi ako naka-unli
.....
.....
.....
saka sila nag-unlimited. Tapos puro pa chain messages...
"Joyce, chix ka ba?" o kay naman "Joyce, wats ur breakfast"
Soper. L0ko. Dy0sko!!!
Well, oo nga pala, may ginawa kami sa bus ni kiarra... yupperz. Nan-trip nanaman. What can we do? It's really in our vlood. Take it away and we'll die.....
Ganito un. Galing kami kina Genii, then we should go home at around 5.
***TING!!!*** 5:00 pm.
Joyce: Maya na. Last na toh. Mga 5:30.
Gen: Ganyan ka naman lagi eh.
Kiarra: (Ganyan namn lagi si kiarra, puro tawa.)
"klick" tumunog cell ni kiarra, si genii kasi kumu-kuha nanaman ng picture (it's in her vlloodd)
Basta,,, blah... blah... blah.... di ko na matandaan e. ^_^
E di yun nga, kailangan na naming umuwi ni kia, then siguro kalahating oras na kaming naghihintay ng bus, ;toh kasi si kiarra maarte. bakit ikaw HINDI!!!!???? ok, sige na pati ako, slight. ANONG SLIGHT???!!! oo na nga eh! Basta, well anyways, after so many decades, naka-sakay na din kami, Sakto may dalawang bakanteng upuan. Ang nasa harap namin ay isang lalaking, ahh....ehhh...un isang lalaki. Then, ito. Nagpakulo nanaman si kiarra ng kalokohan. ako naman si engot naki-sabay. Hindi nga kasi namin mapigilan na hindi mng-trip. Ganito nangyari. Hindi ko matandaan kung sinong unang nag sabi na "mangtrip tayo" pero alam kong si kiarra yung naka-isip na mag-usap kami ng nonsense. Un bng parang ganito.
Kia: "ano alam mo bang maraming bumagsak sa'tin? Madami atang magrerepeat sa 2nd year."
ako: "kaya nga, siguro kasi bilog ang buwan diba?"
Kia: "oo, tsaka masyado pang malamig."
Medyo natatawa na kami, pero syempre pinipigil.
ako: "Tama ka. kaya nga nung nagluto mama ko ng itlog na prito naging nilaga, e"
kia: o? talaga? ang galing naman.
Yun, tumingin medyo ung lalaki sa harap namin. Yun bang pasimple pero halata naman?
Medyo natahimik kami kasi wala na kaming masabi. Natatawa pa kami.
ako: (sabi ko ng walang nalabas na boses, un bang sa lips lang) ung lalaki, nagtataka na...(sabay ngiti, na medyo pigil na tawa)
kia
Eto nanaman, nagsimula nanaman si kiara, kaya lang di ko natalaga matandaan. Tpos, nag-para na yung lalaki. Siguro hindi na natagalan. sumuko na. ^_^
kia: tignan mo, tignan mo ung reaksyon nung lalaki.
Tinignan namin tapos biruin mo, nakatingin din samin at alam mo ba kung anong itsura? :)) he has a.........
Para-naman-kayong-engot.-Ano-bang-pinagsasabi niyo?-Tao ba kayo? face.
Di na namin napigilan at napatawa na kami ng malakas.
Kala nio ba nagtatapos na ang trip namin dyan? Hindi noh.
Lumipat kami sa upuan nung lalaki, ang nasaharap naman namin, isang kumadronang naka-yellow. Simula na naman...
ako: "alam mo ba yung ano, yung mama ko nagluto ng itlog sa tubig?"
kia: "o? talaga? ang galing naman."
napatigil kami ulet, nawalan kasi ng topic. Napatingin samin ung babae medyo konti lang.
kia: "alam mo bang swerte daw yung mga naka-cap sa loob ng bus?"
(ako kasi naka-cap, tsaka naka-black)
ako: "o? talaga? sakto. kaya nga nag itim ako ngayon e."
kia: "Swerte din naman 'yon pero ang tindi kamo ng pula."
ako: kasi nga alam mo kung baket?
kia: baket?
ako: kasi nga bilog ang bwan.
hindi ko na talaga matandaan tapos yung babae medyo napatingin ulet sa'min.
mahaba pa 'yon e. Medyo natatawa pa kami, kasi first time. Next time di na namin sasantuhin mga pagtitripan namin... HHHAAAAHHAHAHAHAHA!!!!!!!!!!!!

pero masarap talaga ang daing diba?

kaya mag-comment naman kayo. ^_^

..... ano ba toh?

Tuesday, March 28, 2006

BAKASYON NA!!!
Sa wakas, dumating na rin ang pinakahihintay kong bakasyon. Actually, hindi pa naman talaga official bakasyon , kasi ang awarding sa Linggo pa - so kailangan pa rin naming pumasok ngayon at sa Friday para sa praktis. Bakit ba kasi kailangan pang mag-practice? Oo, alam kong praktis makes perfect pero simula prep eh ginagawa na namin yan. Ganito kasi yun. First, pipila ka lang sa likod ng audience tapus dadaan ka sa mga CAT officers then liliko ka at 'BOOM!' uupo ka na. Tapos, yung mga morning ceremonies, at upo ulit. Hihintayin mo na lang na tawagin yung pangalan mo at aakyat ka sa stage. Mag-ba-bow at kakamayan ang nagbibigay ng medal. Tapos baba ng stage, hihintayin matapos ang program, exit at uwi na. Diba madali lang? And sanay na sanay na kami, kakasawa na nga yung paulit-ulit, pero what can we do? kailangang umattend ng practice kung hindi, hindi ibibigay ang award mu. Summer na, kaya mainit ang araw, tosta na kami, walang mga payong o kahit man lang cap. Mahigit isang oras ang practice at ang four-fifths ng oras na yun, dun lang kami gagawin, the rest tutunganga lang kami, manonood at papalakpak under the heat of the sun. Ewan ko ba, parusa ba yun?
...................
...................
...................
...................
Kanina dapat hindi pa ako uuwi pero dahil mainit nga at walang kasama ang kapatid ku, umuwi na ku. Sasakay dapat ako ng jeep, pero napagdesisyonan kong huwag na lang. Kung sa tutuusin mas mura ang pamasahe sa jeep kesa sa tricycle, hindi dahil mayaman ako o maarte kaya ko gustong mag tricycle na lang. Alam mu kung bakit? Kasi nakakahiya. Yup, nakakahiya. Hindi sa nakakahiya ang mga taong sumasakay sa jeep. Explain...
Naranasan mo na bang pag sakay mo, hindi mo alam kung saan ka uupo? Una, Sa dulo para madaling bumaba pero pag nagbayad ka naman kailangan mo pang sumigaw dun sa driver at ipa-a bot yung pamasahe, pero pano kung walang umabot sa kamay mo pag pina-abot mo na sa taong katabi mo? Un bang parang ini-snob ka. O pangalawa sa may malapit sa likod ng driver para madaling i-abot ang bayad pero paano pag baba? Pano pagnadulas ka o kaya natisod sa isang malaking sapatos ng mama na naka-harang sa daan? Paano naman pag may nakatabi kang adik o kaya naman maniac? Pahirap un. Dati may nakatabi akong lasing nakakatakot. Kung ano-ano ang mga sinasabi at ang baho pa. Well, kahit naman anong gawin mo pag sumakay ka ng jeep e kung saan bakante dun ka uupo, hindi ka na makakapili pa. Pera na lang pag ikaw ang isa sa mga sumakay.

kaka-antok na

init kasi...

para mas enjoy ang summer at maging romantic. . . http://www.expree.blogspot.com o kaya naman http://www.expree.blogsource.com

para sa mga gustong makakita ng alien eto ---> "truyehryegtehrur

at para sa mga gustong malamigan ---> ice cubes para sa lahat! ^_^

Saturday, March 18, 2006

I really HATE book REPORTS!!!!
Know what? Pag katapos ko maipost ung previous, e bigla akong nadisconnect and boom ubos na ung card ko, galing. Well anywayz, grabe sa skul, ang daming projects, tatlo-tatlo. natapos lang namin ung isa, kahapon. Play. Memoirs of a geisha. Alam mo bng kung i-eestimate kung ilang days namin un pinaghandaan e siguro buong one week lng. No choice kung hindi naman kami gagawa ng play e kailangan naming gumawa ng 15 pages book report, can u dig that? Well, visit . . . http://itchyback.blogsource.com and http://gennism.blogsource.com to be able to know the feelings of people who chose to do a buk report than to present. Umm.. and another thing about the former blog, read the article about aarte o maarte.
oo nga pala, dun sa play ng kabilang grupo, they had to have samurai, ung mga legendary heroes ng Japan who uses swords. And of course nakapalda ung mga un db? Well guess what? Syempre may pumayag na mga lalake (kung wala bng pumayag sa tingin nio matutuloy ang play?) to be part of the play being a samurai and the thing is... take note walang mahabang palda and alam nio b kung ano ang sinuot nila? Ung palda naming pang-cheering! Ung super mini skirts... ung mga 7 or 8 inches above the knees. Aztig! Nakaka-turn off un diba? sa mga crush nila. Pero guess what? ako, mas humahanga ako sa kanila, un bang napaka-galing nila, as in kaya nilang gumawa ng ganun. Konti lng sa mga boys ang ganun diba? Pag nakakakita kayo ng group ng guyz na mapoporma at mukhang astigin and cute dahil lng maporma. Un bng mga naka-jersey at mahihilig magbasketball. Ung mga parang boss ng classroom, ung mga ma-impluensya. Di ba, ideal boyfriends?!?! Pero guess what, mas maaarte pa nga un sa ibang babae, maxadong pinahahalagahan ung mga image nila. Well, basahin nio na lang ung article about maarte o aarte. Mas maraming points tunkol sa boyz dun.
*****************************************************************************
Hahahah!!!! Vacation is near! Wooohhoooo!!!!!!!!!!It's so great. Next week would be our 4th quarter exam, well i'm immune to books di ko na sila kakatakutan. Especially biology.. . . YAhoo!!!! Yesterday, names of those who are exempted have been posted in the bulletin board, and i'm one of those people..... yey! Well anywayz, kailangan pa rin yatang gumawa ng project. Hay... Biruin mo, ang author ay si shakespear? well maraming humahanga kay shakespear pero bket? Dahil malalim ang pagsasalita niya? Pinagbabaligtad-baligtad mga words parang slang? Well, sa mga college pwede na un e kami highschool palang... fourteen years old? taps shakespear? Hitech naman un. Well what can we do? We're just students, barely students. We have to obey our teachers, even though it's very hard for us. I still remember when i was in grade three, our teachers are sooooo annoying not to mention they are KURAKOT (pag naging president sila ng bansa e di PATAY, mas mabuti pang lumubog ang philippines sa philippine deep kesa maging presidente sila.) I'm the class vice-president that time and you know what? Xempre maingay, bata pa eh. Of course like in any other elementary boards may corner para sa noisy, and pag nasulat ka sa noisy, isang piso, at pag maingay kapa dagdag piso. Pag di mu bnayaran, the next day dodoble. Lupet noh? then every friday magdodonate ka ng 10 pesos para daw sa party. And guess what? ang party namin ay mcdo lng, isang meal sa mcdo, e isipin mu nanman kung gaano kalaki ang class fund namin? siguro more that 50 or even a hundred thousand un. Nakakainis talaga, and evry break they make us to libre them. Are these the kinds of teachers we should have? well wala kaming magagawa kasi grade 3 palang naman kmi nun. db?
Kung nababasa nio man to ngaun, tamaan sana kayo. Remember ......... "KARMA"
-----------------------------------------------------------------------------